Episode 8: Love through Time - a podcast by Ang PUBCast

from 2020-06-10T14:18:06

:: ::

Ang Love ay isa  sa mga pinakamisteryosong konsepto sa mundong ito o sa buhay pangkalahatan. Marami nang sumubok na i-define ito simula pa noong nagkaroon ang mga tao ng kapasidad na mag-isip. Mula sa mga makata, nobelista, at iba pang mga alagad ng literary arts, wala pa ring nakatumbok ng mismong kahulugan nito. Tila isang likidong nagkakaroon lamang ng hugis depende kung saan ito nakalagay, Ang Love ay nabibigyan-kahulugan lang ng  mga taong nakakaranas nito. Kaya marahil wala itong nag-iisang definition. Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan habang kinikilig at dumudugo ang ilong na hinihimay ang Love mula sa pananaw ng mga batikang manunulat na nabuhay sa iba't-ibang era nitong nakaraang dalawandaang taon. 

Further episodes of Ang PUBcast - Positibong Usapan at Balitaktakan

Further podcasts by Ang PUBCast

Website of Ang PUBCast