S01E00: Mga Pagsasanay sa Pagsusulat at Pag-iisa | Pagpapakilala sa Season 1 - a podcast by Edgar Calabia Samar

from 2020-11-29T02:00

:: ::

May mga araw na gusto kong mag-isa. May mga araw na hindi ko kayang mag-isa. Kinakausap kita ngayon dito, nang ganito, dahil hindi na kita nakakausap. Pasensiya na kung idinadaan ko sa ganito ang mga sandaling naiisip pa rin kita. Parang kinailangan nating magpaalam sa isa’t isa sa isang paraan na hindi ko alam kung hinayaan ba nating magkaganito sa paniniwalang hindi naman talaga iniiwan ang minamahal, na hindi naiiwan ang minamahal. Dahil minamahal ang dinadala mo sa iyong paglisan. Saan-saan na nga ba ako naligaw? Nagawa ko ba talagang matunton ang mga daan pauwi? ✨Narito na ang pagpapakilala sa bago't enhanced na Season 1 na magsisimula ngayong December 4, 2020 at lalabas tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo buong Disyembre 2020! ✨RECOMMENDED THIS EPISODE: Alam kong mahilig din kayong magbasa na tulad ko, at alam nating napakalaking tulong ng e-readers lalo na sa usapin ng portability at search capabilties. May Kindle Paperwhite na ako pero bumili pa rin ako ng Boox Nova 2 nang lumabas ito dahil 1) mas friendly ito sa PDF dahil mas malaki ang screen at puwede rin akong mag-annotate sa pages gamit ang sarili nitong pen; at 2) nagagamit ko ang Scribd app dito. Sobrang useful ng Scribd sa pag-access sa maraming libro, kahit Filipiniana! Naroon, halimbawa, ang Eight Muses of the Fall na salin sa Ingles ng nobela kong Walaong Diwata ng Pagkahulog at iba pang librong Filipino. Simula nang binili ko ang Boox Nova, mas dumami na ang librong nababasa ko. Kaya naman, kung interesado kayo sa Boox Nova 2, narito ang links mula sa Lazada: https://tinyurl.com/OnyxBooxNova2 o Shopee: https://shp.ee/ik5f6ap.

Further episodes of Mga Teorya ng Pagkahulog

Further podcasts by Edgar Calabia Samar

Website of Edgar Calabia Samar