Episode 12: Discussions Matter featuring Pinoy Reads Pinoy Books (Bebang Siy, Ella Betos, and KD Oliveros) - a podcast by UST CCWLS

from 2021-07-27T01:18:45

:: ::

Makikipagkuwentuhan sina Bebang Siy, Ella Betos, at KD Oliveros ng Pinoy Reads Pinoy Books kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa kanilang book club. Ibabahagi nila kung paano naitatag ang PRPB, ang mga paborito nilang book talakayan, at mga hindi nila malilimutang engkuwentro sa mga awtor. 


Si Beverly Siy, kilala rin bilang Bebang Siy, ay isang nanay na manunulat, tagasalin at copyright advocate.  Aktibo rin siya sa larangan ng publishing. Isa siya sa mga Book Champion at Intellectual Property Ambassador ng ating bansa noong 2015. Nakalikha at nakapaglathala ng sampung aklat sa pamamagitan ng pagsusulat, pagsasalin, pagpapatnugot at pag-i-illustrate. Naglilingkod siya ngayon sa Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department.


Si Maria Ella Betos ay isang Fund Accountant sa isang American Bank sa BGC, Taguig. Bilang moderator ng Pinoy Reads Pinoy Books, isa siyang advocate ng pagbabasa, at pagpapalaganap ng lokal na panitikan. Mahilig siya sa travel photography at sa paglikha ng kakaibang IG #hashtags. Noong wala pang pandemic, madalas siyang maglibot sa mga bansa sa Southeast Asia at sa Japan.


Si Doni "K.D." Oliveros ay mayroong mahigit sa 3,000 na pisikal na aklat sa bahay nila. Mga isang libo rito ay Pinoy books. Isa siyang IT Manager sa isang malaking kompanya sa Mandaluyong. Mayroon siyang anak at asawang nagbabalak ibenta ang mga aklat niya pag siya ay binawian ng buhay.

Further episodes of USTinig: The Official Podcast of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies

Further podcasts by UST CCWLS

Website of UST CCWLS